Batang cute kumakain ng uod naging usap-usapan sa social media
advertisement

May isang video at mga larawan ng isang bata na umagaw sa atensyon sa mundo ng social media kung saan makikita ang batang babae na nilalantakan ang malalaking uod.

Mapapansin na tila paborito ng bata ang nasa kanyang harapan na parang sarap na sarap ito sa inihaing malalaking uod, Pansin din na gumalaw pa ang mga ito sa kinalalagyang pinggan.

Dahil sa naturang video ay umani ng pambabatikos ang mga magulang ng bata kaya minabuti ng mga ito na dumulog sa batikang broadcast journalist na si Raffy Tulfo upang matulungan sila na matigil ang mga pambabatikos mula sa mga netizens.
Makikita sa video na tila gustung-gusto ng bata ang abatod at hindi naman sapilitan ang pagkain sa coconut worm.

Upang maging mas malinaw sa mga manonood kung ano ba talaga ang abatod, may kinausap si Raffy Tulfo na isang nutritionist na nagsabing itinuturing iyon na isang exotic food sa kanilang lugar sa Surigao.
advertisement
Batang cute kumakain ng uod naging usap-usapan sa social media
Reviewed by BALITANG PINAS
on
April 15, 2021
Rating:

Post a Comment