Isang 55-Anyos na Street Sweeper na May Pitong Anak, Nakapagtapos ng Kolehiyo

advertisement



Kahanga-hanga si Ofelia Mondaya nang makapagtapos siya sa kursong Business Administration sa Batangas City. Ang 55 anyos na si Nanay Ofelia ay isang street sweeper na madalas nakikita sa mga lansangan sa Barangay Poblacion sa Batangas City.

Nagsusumikap sa kaniyang pagtatrabaho si Nanay Ofelia sa kabila ng panganib ng COVID-19. Maliban sa pagiging frontliner, marami ang bilib sa kaniya dahil napagsabay niya ang pagtatrabaho para sa pamilya at pag-aaral sa loob ng apat na taon.

Nagtapos siya mula sa Colegio ng Lungsod ng Batangas sa kursong Business Administration. Bago makapag-aral sa kolehiyo, tinapos muna ni Nanay Ofelia ang alternative learning system ng Department of Education noong 2014.

Pumasa siya kaya binigyan ng scholarship ng lokal na pamahalaan ng Batangas City sa Colegio ng Lungsod ng Batangas. Nagsilbing inspirasyon si Nanay Ofelia, lalo na sa anak na si Crizel na nakita ang tiyaga at dedikasyon ng ina.

“Sobrang pinagtiyagaan niya talaga. Halos sa madaling araw umaalis siya, magtatrabaho, magwawalis tapos uuwi siya ng umaga na, maliwanag na. Tapos mag-aaral siya kasi marami siyang assignment,”

kuwento niya. Hindi man nagkaroon ng graduation ceremony dahil sa pandemya, masaya ang pitong anak ni Nanay Ofelia sa pagtatapos niya.

“Huwag na po nating hintayin na tayo ay magkaedad pa o maging matanda bago mag-aral…Kailangan po talaga maging positibo tayo sa buhay at gawin po natin ‘yung tama at alam natin na makakatulong sa atin. Ganoon din po sa ating kapwa,” ani Ofelia.


advertisement
Isang 55-Anyos na Street Sweeper na May Pitong Anak, Nakapagtapos ng Kolehiyo Isang 55-Anyos na Street Sweeper na May Pitong Anak, Nakapagtapos ng Kolehiyo Reviewed by BALITANG PINAS on April 19, 2021 Rating: 5