Look: Mamamangha ka sa Community pantry sa Maguindanao.
Trending ang bonggang community pantry na ito sa datu saudi maguindanao, hindi lang gulay ang nakahain sa mesa kungdi iba't-ibang uri ng pagkain.
Makikita sa larawan ang mga manok,isda, mga uri ng mga gulay at prutas at marami pang iba ang adhikain ng grupong nag tatag ng community pantry sa maguindanao ay upang makatulong sa mga kababayan nating nagugutom at kapos palad kahit sino ay pwedeng kumuha mayaman man o mahirap.
Paalala lamang ng grupong nag tatag ng community pantry kumuha lamang ng nais na pangangailangan magtira para sa iba. at sinusunod naman ito ng marami may-iilan pangang nag dadala pa mismo ng maaring ipamalit sa kanilang mga nakuha upang makatulong narin sa community pantry kumbaga tulad nuong unang panahon ay nauso ang mga palitan na tinatawag nating barter.
Sana'y mag tuloy-tuloy ang magandang adhikain na ito sa datu saudi maguindanao at hindi lang dito maging sa ibang karatig bayan or lugar dahil malaking tulong ito para sa nakakarami at sa mga kababayan nating nagugutom.
Post a Comment