Ang tinulungan ni Ivana na magkukutsinta vendor, Tumutulong din sa iba gamit ang mga natanggap tulong mula sa aktres

advertisement



Makikitang labis ang malasakit na ipinakita ng lalaki kay Ivana, dahil sa kaniyang “sitwasyon” bilang pulubi. Nakikipagkuwentuhan din ito kay Ivana at maliban sa inabot nitong bente pesos, inalok din nito ang huli ngpanindang mga kutsinta at nagsabing bibilhan pang softdrinks o tubig upang siya ay may mainom.



Si Tatay Joselito ay likas na raw na tumutulong sa mga taong nangangailangan nito.

“Ganyan talaga ako ma’am, ‘pag may nanghingi ng tulong sa akin, binibigyan ‘ko.”

Sa kaniyang ginawa, siya ay ginantimpalaan ni Ivana ng 20,000 piso. Matapos nga nito, muli uling nagkasama ang dalawa. Ito nga ay dahil sinamahan ng dalaga si Tatay Joselito sa pamimili ng mga appliances at iba pang kagamitan sa isang mall.



Sa labis na pasasalamat ng lalaki, siya rin ay nagbahagi ngmga biyayang kaniyang natanggap. Masasaksihan si Tatay Joselito na namimigay din ng tulong at ayuda sa mga kapitbahay nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas at pagkain.


advertisement
Ang tinulungan ni Ivana na magkukutsinta vendor, Tumutulong din sa iba gamit ang mga natanggap tulong mula sa aktres  Ang tinulungan ni Ivana na magkukutsinta vendor, Tumutulong din sa iba gamit ang mga natanggap tulong mula sa aktres Reviewed by BALITANG PINAS on April 11, 2021 Rating: 5