Isang Lola na nagtitinda ng babeque sticks na kumikita lamang ng P25 kada araw para suportahan ang kanyang Apo at Anak na wala sa tamang pag-iisip
advertisement

Sa hirap ng buhay ngayon ay mahirap kung mag isa at may katandaan kana pero sa kalagayan ni nanay tinitiis ang mga bagay na ito para sa pamilya.
Makikita sa video, ang matandang babae na kanyang nakilala ay nag-iisa lamang na nag-aalaga sa kanyang anak. Ang tatay daw ng anak niya ito na binuntis ay hindi pa alam kung sino.

Ang matandang ito ay ang nag-iisang gumagawa ng mga gawain sa kanilang bahay tulad na lamang ng paghuhugas ng pinggan, pag-iigib ng tubig, mag-saing ng kanin at iba pa.

Siya rin lamang ang naghahanap buhay sa kanilang pamilya. Ang paggawa ng barbecue stick lamang ang tanging alam na trabaho ng matandang ito.

Ayon pa rito ay ang kanyang tinitinda ay nagkakahalaga lamang ng limang piso bawat isang daang piraso ng barbecue stick. Sa loob ng isang araw ay limang daang piraso lamang ang nagagawa nito at ang kanyang kinikita ay 25 pesos lamang.
advertisement
Isang Lola na nagtitinda ng babeque sticks na kumikita lamang ng P25 kada araw para suportahan ang kanyang Apo at Anak na wala sa tamang pag-iisip
Reviewed by BALITANG PINAS
on
April 10, 2021
Rating:

Post a Comment