Baby na natagpuan sa tabi ng kalye pumanaw na! Mga magulang pinapanagot

advertisement



Matatandaan na mayroon sanggol na iniwan sa tabi ng kalye sa loob ng kahon at wala ano mang suot na damit o pangbalot dito.



Pumanaw na ang baby na natagpuan kaninang umaga sa basurahan sa may Freedom Park 3 Batasan Hills Quezon City.



Sinubukan pa na iligtas ang baby subalit hindi na nito kinaya at tuluyan ng nasawi. Pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga magulang ng sanggol at kung sino ang nagtapon sa sanggol na naunang nadiskubre ng garbage collector ng lunsod.



Narito ang ilang komento ng mga netizen na labis na nagulat sa ginawa sa sanggol:

As a Mom nakakadurog ng puso makakita ng ganito .💔😭 Kawawa naman yung walang muwang na hinayaan ng mga walang kwentang magulang pagkatapos nyong magpakasarap! 😡😡You may now rest in paradise little angel 👼👼. Iparamdam mo sa mga magulang mo kung ano yung sinayang nila.
 
Nakaka durog ng puso😭😭 baby Ang bata bata mo pa para naranasan mo Yan 😭😭 Di ko maimagine habang IKAW ay umiiyak,baka gutom kana,nalalamigan or kinakagat ng mga insekto 😭😭 Diyos ko lord,kau na po bahala sa mga wala kwenta magulang ng angel na yan.
😭..
Ngayon baby girl you're in GOD's arm.
 
Rest in God's arms baby...Sana mabuhay ka ulit sa mundo sa katauhan ng ibang magulang...napakabata mo pa para danasin ang ganitong kalupitan mula sa magulang mo.😢 Sana,kung di ka na kaya suportahan ng magulang mo sana pinaampon kana lang nila...🥺🥺🥺 Rest na baby...
advertisement
Baby na natagpuan sa tabi ng kalye pumanaw na! Mga magulang pinapanagot Baby na natagpuan sa tabi ng kalye pumanaw na! Mga magulang pinapanagot Reviewed by BALITANG PINAS on April 14, 2021 Rating: 5