Foreigner naging palaboy matapos iwan ng kinakasamang filipina

advertisement

Isang British na dayuhan ang naging palaboy matapos siyang iwan ng kinakasama niyang Pilipina. Ang dayuhan ay nagngangalang si David Dobson na 74 taong gulang. Kuwento niya, iniwan daw siya ng kanyang Filipina live-in partner. At simula noon, nagpalaboy-laboy na lamang siya sa lansangan at wala na siyang halos makain.

Natulungan naman si Dobson ng isang simbahan na Seventh Day Adventist Church sa Sibionga Chapter. Sobrang laking tulong nito kay Dobson dahil kada pagkatapos ng misa tuwing Sabado ng hapon ay binibigyan siya ng pera para sa pangkain niya ng isang Linggo.

Mahirap daw ang pagproseso sa kanyang mga papeles sa kadahilanang nailipat umano sa
Maynila ang British console sa Cebu. Isa itong malaking problema sa kung paano matutulungan si Dobson na makauwi sa kanyang bansa.
advertisement
Foreigner naging palaboy matapos iwan ng kinakasamang filipina Foreigner naging palaboy matapos iwan ng kinakasamang filipina Reviewed by BALITANG PINAS on April 13, 2021 Rating: 5